Can you handle this?

Can you handle this?

Wednesday, January 26, 2011

Oh well, Uso na talaga lovelife nowadays. nakakamiss rin yung feeling.. na excited ka sa araw araw dahil alam mo na may isang tao na iggreet ka ng sweet na mga morning messages, may itetext ka pag badtrip ka, kapag masaya ka, or mga normal na bagay na ginagawa mo. Lalabas kayo manunuod ng movie, kakaen sa labas, bibili ng Ice cream, magkukwentuhan, magpapahangin, magtatawanan at kilitian. Tapos uuwi ka ng nakangiti kahit ayaw mo pang umuwi dahil sa sobrang saya ng naging araw mo dahil nakasama mo siya. Tapos pauwi ka na kausap mo parin siya wala kang pakialam sa mga katabi mo sa LRT, tumatawa ka at kinikilig sa usapan niyo kahit paulit ulit pa. Tapos paguwi mo kausap mo parin siya hanggang sa makatulog na kayo. Corny na. Kthanksbye

No comments:

Post a Comment