Can you handle this?

Can you handle this?

Sunday, July 25, 2010

Pag kasama kita feeling ko highschool ulit ako :)

Panget ng title :/

Uh, so may blog na ko. How do I start?? uhm. This would be my first official entry para ishare ang about sa buhay ko. :)


HAHAHHAHA Pwede kayong tumawa sa isshare ko :)

Okay so iniisip ko kagabi paguwi ko kung anong magandang nangyari sa araw ko. Well, unexpected pero isa lang nag-pop up sa utak ko! Hmm. Okay para maka-relate kayo itago na lamang natin siya sa codename na ***** Ahaha ookay so uumpisahan ko na yung story para naman maka-relate kayo :)

Nakilala ko siya early 2009, weird pa nung una naming pagmeet dahil yung close friend ko, iniwan lang ako saglit sa guy friends nya dahil may class siya, eh break ko, so no choice! HAHA so ayun. tahimik lang ako nung una kasi di ko naman sila kilala eh. Tawanan lang sila, ako dedma lang hanggang sila na yung tawa ng tawa sa mga Knock knocks ko! pero di ko parin siya na-notice that time. Until, meron na kaming maayos na introduction! :)))

Then after few weeks, sinama siya nung nanuod kaming movie then we had lunch then kwentuhan till nagsara na yung mall. Dun ko siya talaga nakilala. Tahimik kasi siya eh. Kailangan pang alugin para magkwento hahhaha! Then yun, sinabi ng friend ko na may crush daw sakin. Ako? dedma parin! hahhaa :)) Until nag-stop ako ng isang sem. nakakatext ko siya minsan, namiss niya daw ako kahit papano, medyo mahiyain kasi siya hahhaa!

So ayun, sabay dapat kami mag-eenroll this semester. Kaso nauna ako. excited kasi ako pumasok uli! hahaha :)) Di ko akalain na classmate ko siya sa majors. so long hours, pati long breaks kami ang magkasama. Nung una parang dedma lang ako talaga. wala as in normal! until everyday ko siya pinagtitripan! as in everyday! HAHAHA :)) pero di sya napipikon sakin. HAHA pero pag ibang friends namin nangasar sa kanya, binabara niya kaagad.

Actually kahit medyo nasa gitna na ako, di ko parin alam kung bakit ko ginagawa tong story niya :")

.... tapos yun, may isa kaming subject na nasa computer lab, after ng activity pwede na kami mag-surf. So nag-facebook ako. then naiilang ako dahil nakatitig lang siya.. Hinampas ko siya kasi ayoko ng ganun! Yung pinapanood yung ginagawa ko. HAHA :)) So after nun, parati na talaga kaming sabay. Then nagaasaran kami, sabi nung isa kong classmate. "Oh asaran kayo ng asaran, di na ko magugulat kung magkakatuluyan kayo sa huli". Then tumawa ko tapos napaisip. Di ko alam sasabihin ko. Reaction ko nalang. "Edi kinilig naman si *****! hahha then nag-smile lang siya. Kung nababasa mo man 'to ngayon.. Kahit ayokong mabasa mo.. gusto ko malaman mo na, natutuwa ako pag inaamoy mo yung buhok ko, kapag pinapanood mo ko uminom ng juice, kumaen ng sandwich kahit may mayonnaise pa ko sa labi, pinapanood mo ko mag-recite, mag-joke ng hindi corny, kumain ng cookies, kapag pinapanood mo ko tumawa... tumakbo, dumaldal..magsulat.. lahat :) Ang gentle mo :) HAHAHA okay ang corny na nitong ginagawa ko. nakakahiya nang ipabasa :/ Actually na-realize ko lang 'to, nung nasa library tayo kahapon, nagrereview tapos yung tugtog pa ang sweet tapos tumingin ka sakin, muntik ako matunaw kaya hinampas kita! Sorry kung namamaga na yang braso mo, kakahampas ko. Mahalaga ka parin :)

So ayun. Siguro sa takdang panahon pa. Dahil ayoko matulad yung friendship natin sa past experiences ko. Ayokong masira. Napakahalaga mo :)

OMG! nasabi ko na lahat. nakaka-hiya :/ pero wala eh. dito ko lang pwede ilagay hahaha :))

"You can never choose whom to fall in love with, It just happens.." <3

4 comments:

  1. "gusto ko malaman mo na, natutuwa ako pag inaamoy mo yung buhok ko, kapag pinapanood mo ko uminom ng juice, kumaen ng sandwich kahit may mayonnaise pa ko sa labi, pinapanood mo ko mag-recite, mag-joke ng hindi corny, kumain ng cookies, kapag pinapanood mo ko tumawa... tumakbo, dumaldal..magsulat.. lahat :) Ang gentle mo :) HAHAHA"

    HAHA! Natawa ako! Sobra!

    kung ako siguro si *****, naku, liligawan na kita bukas. AHAHAHA! Pero bentatalaga 'to! HAHA!

    ReplyDelete
  2. AHAHAHAHAHAHAHA bad ka! eh totoo naman eh. para kong highschool pag kasama ko siya :) wag niya lang sana mabasa to hahahaha gaga ka.

    ReplyDelete
  3. hahaha coool :p kinilabutan ako dun ah.. hahahha :p anyway.. cool naman.. gustong gusto mo palang pinapanood ka.. hahahha :p anyway.. ang cool naman.. it's nice to know na maynagpapasaya sayo gulp :p hahaha

    ReplyDelete
  4. Parang lahat may cool na word ah? hahaha medyo nagiiba na feelings ko. parang nawawala?? :/

    ReplyDelete